Biyernes, Hunyo 30, 2017

Paano nga ba natin maipapakita na tayo'y isang kapaki-pakinabang na mamamayan?

Tayong lahat ay mamamayan ngunit paano ba tayo magiging isang mabuting mamamayan?
Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga pwede nating gawin upang masabi natin na tayo'y kapaki-pakinabang na mamamayan.

1. Tangkilikin ang sariling atin
-Kadalasan sa atin ngayon ay mas pinipili ang mga produktong hindi galing sa atin, nakikinig ng mga musikang di pamilyar, at nanonood ng mga pelikulang gawa ng ibang bansa. Wala namang masama kung tayo'y mag "explore" sa mga ganoong bagay, ngunit laging tandaan na "Mahalin ang sariling atin." Pilipinas ang ating lupang sinilangan, nararapat lamang na atin itong suportahan, gaya nag pagmamahal natin sa ating mga magulang na silang nagsilang sa atin.

2. Sumali sa mga organisasyong makatutulong sa mamamayan.
-Mahalaga ito upang mapanatili ang kaayusan ng bawat isa at magkaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan na makapagdudulot ng pag-unlad ng ating bansa.

3. Pagbahagi ng kaalaman sa mga kabataan.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Maraming kabataan ang di nakakapag-aral ngayon sa kadahilanang maraming kapos sa pera at nakakalungkot lang isipin na ang karamihan sa kanila ay nagiging biktima ng paggamit ng droga. Gayunpaman, tayong mga nakapag-aral ay nararapat lamang na ibahagi natin ang ating mga kaalaman at pagsikapang matulungan sila sa kahit anumang bagay.

4. Panatilihin ang matatag na pananampalataya sa Panginoon.
-Maraming kabataan ngayon ang lulong sa masamang bisyo, hindi lamang dahil sa wala silang pinag-aralan, kundi pati na rin sa kulang sila sa pananampalataya sa Panginoon. Mga kabataan ngayon ay di na kilala ang Panginoon kapag sila ay masaya at ang mas malala ay sinisisi pa ang Panginoon kung may nangyaring di maganda. Paalala lamang sa mga kabataan na tayo'y anak ng Panginoon, mahalin at huwag nating Siyang kalimutan.

5. Huwag magkalat. Itapon ang basura sa tamang paglalagyan.
-Kailangang panatilihin ang kalinisan ng ating bansa upang maiwasan ang mga kalamidad. Sa ngayon ay unti-unti ng nasisira ang ating Inang kalikasan, at ang sanhi? Walang iba kundi tayo ring mga tao. Upang mapigilan ang patuloy na pagkasira ng ating kalikasan, pangalagaan natin ito kahit sa pinakasimple lamang na bagay, ang pagtatapon ng basura sa tamang paglalagyan.

1 komento:

  1. Grand Mondial Casino - Mapyro
    Grand Mondial Casino. 3555 South Grand 익산 출장안마 St, Mm. Location. Mapyro is a casino in Grand 서귀포 출장안마 Mondial, located 계룡 출장안마 in M-2. Get 제주도 출장마사지 directions, reviews and 양주 출장마사지 information for

    TumugonBurahin